Malakanyang, nagpaliwanag sa isang linggong hindi pagpapakita ni Pangulong Duterte sa publiko

Ipinagtanggol ng Malakanyang ang isang linggong ‘absent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mata ng publiko.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kahit walang public appearance si Pangulong Duterte ay abala pa din ito sa kanyang mga gawain tulad ng paper works at mga private meetings sa Palasyo.

Ayon kay Panelo bilang isang abogado ay sinusuring mabuti ni Pangulong Duterte ang mga paper works nito bago niya lagdaan.

Ang huling public appearance ng Pangulo ay noong nakaraang Biyernes sa ginanap na 118th Police Service anniversary sa Camp Crame Quezon City.

Tiniyak ni Panelo na walang sakit ang Pangulo at nasa mabuting kalusugan kahit wala itong public appearance sa nakaraang buong linggo.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *