Malakanyang, pabor sa lifestyle check sa mga pulis na nasasangkot sa iligal na droga

Pinaboran ng Malakanyang ang hirit ng ilang Senador na isalang sa lifestyle check ang mga pulis.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo magandang hakbang ito para mabusisi ang uri ng pamumuhay ng mga pulis.

Ayon kay Panelo ang Internal Affairs Service ng PNP ang dapat na magsagawa ng lifestyle check sa mga pulis.

Lumutang ang panukalang isalang sa lifestyle check ang mga pulis matapos masangkot ang pangalan ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa operasyon ng illegal na droga ng mga tinaguriang Ninja cops.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *