Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad, bibisita sa bansa sa March 6 to 7

Nakatakdang dumating sa bansa si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad para sa dalawang araw na official visit.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang dalawang araw na pagbisita ni Mohammad ay bilang pagpapaunlak sa inbistasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalaw din sa Malaysia noong nakaraang taon.

Ayon kay Panelo, ilang beses ng dumalaw sa Pilipinas si Mahathir mula ng  maupo ito bilang Malaysian PM noong 1987 at 1994 at ngayong maupo muli sa poder ng kapangyarihan noong 2018.

Inihayag ni Panelo ang pagbisita muli ni Mahathir sa bansa ay naglalayong lalo pang patatagin ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *