Manila Awarding Ceremony, kaalinsabay ng muling pagbubukas ng Metropolitan Theater

Isinagawa ang Manila Awarding Ceremony  isang araw bago ang ika-405 na “ Araw ng Maynila” sa tinaguriang “Grand Old Dame of Manila” o Metropolitan Theater kagabi.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing parangal ay ang mga kawani ng Pamahalaan ng Maynila sa pangunguna nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna at ang mga tumanggap ng mga parangal.

Binigyang- diin sa nasabing parangal ang mga naging kontribusyon ng mga medical frontliner sa gitna ng nararanasang pandemya.

Kabilang sa mga special guest sa awarding cerenomy sina Christian Bautista, The Company, Angeline Quinto at Bugoy Drilon.

Charlyn Barlaan/ Marlon Trinidad

Please follow and like us: