SC iniutos na ilagay sa half-mast ang mga watawat sa lahat ng hukuman sa buong bansa

Ipinagutos ng Korte Suprema na ilagay sa half-mast simula ngayong Huwebes ang mga bandila sa lahat ng court houses sa buong bansa.

Ito ay sa harap ng pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Dahil dito, naka-half-mast na rin ang watawat ng Pilipinas sa SC.

Wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang Suprema Court kaugnay sa pagkamatay ng dating punong ehekutibo.

Ang mga incumbent na mahistrado ng SC na itinalaga ni Aquino ay sina Justices Estela Perlas- Bernabe, Marvic Leonen, at Alfredo Benjamin Caguioa.

Moira Encina

Please follow and like us: