Manila Mayor-elect Isko Moreno, nag-courtesy call kay outgoing Mayor Joseph Estrada

Nag-courtesy call si Manila Mayor -elect Isko Moreno kay outgoing Mayor Joseph Estrada.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaharap at nagkausap ang dalawa simula noong 2016 elections.

Kasama ni Moreno na nagtungo sa tanggapan ni Estrada sa Manila City Hall ang kanyang transition team.

Kasabay nito, personal na iniabot ni Moreno ang sulat na humihiling na mai-turn over sa kanila ng outgoing mayor ang ilan sa mahahalagang dokumento.

Ilan sa mga ito ay mga kontrata, loan agreements, inventory, audit reports, unliquidated cash advances, bidding results , statement of cash flow, at 2019 budget.

Nakatakdang manumpa si Moreno at ang mga bagong halal na opisyal ng Maynila sa Hunyo 30.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *