Manila Mayor Joseph Estrada at dating Manila Mayor Alfredo Lim, hindi sumipot sa debate sa UP Manila

Hindi sumipot sina Manila Mayor Joseph Erap Estrada at dating Mayor Alfredo Lim sa debate na inorganisa ng UP Manila para sa mga kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod.

Tanging si dating Manila Vice-mayor Isko Moreno ang dumalo sa debate na tinawag na “Thrilla in UP Manila”.

Nagpadala lang ng kinatawan si Lim habang tumanggi namang humarap si Estrada sa debate.

Ang debate ay kaalinsabay ng pagsisimula ng kampanya mga lokal na kandidato.

Inilahad ni Moreno ang ilan sa kanyang plano sa Maynila gaya ng paglilinis sa buong lungsod at pagresolba sa problema ng illegal vendors

Nais ding tutukan ni Moreno ang problema sa trapiko sa Maynila at ang isyu ng peace and order sa lungsod.

Isa pa sa mga plano ni Moreno ay ang pagbabalik sa Kadiwa Centers para may mabilhan ng mga murang basic commodities ang mga Manileño.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *