Martial Law sa Mindanao mananatili ayon kay Pangulong Duterte

Mananatili ang Martial Law hanggat hindi nawawalis ang terorismo sa Marawi City at iba pang lugar sa Mindanao.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang video message sa tropa ng pamahalaan na nananatiling nakikipagbakbakan sa Maute-ISIS terror group sa Marawi City.

Kasabay nito nanawagan ang Pangulo bilang commander in chief na manatiling matatag ang tropa ng pamahalaan para tuluyang malupig ang mga kalaban ng estado.

Tiniyak din ng Pangulo sa mga sundalo at kanilang pamilya lalo na ang mga nasugatan at namatay sa giyera sa Marawi City na hindi sila pababayaan ng gobyerno.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *