OFW’s hindi na kailangang kumuha ng Overseas Employment Certificate ayon sa DOLE

Inanunsyo ng DOLE o Department of Labor and Employment na hindi na kakailanganin ng Overseas Filipino Workers o OFW’s na kumuha ng  Overseas Employment Certificate simula sa katapusan ng buwan.

Kasunod ito ng ilang reklamong tinanggap ng DOLE kaugnay sa mahirap na online processing ng O-E-C at iba pa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang lahat ng OFW ay bibigyan ng identification card na siyang magiging kapalit ng O-E-C.

Maaari aniyang kunin ng mga OFW ang naturang ID ng libre sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *