Mayor -elect Isko Moreno, binalaan ang mga kriminal sa Maynila; karapatang-pantao ng mga Manileño, tiniyak na irirespeto sa ilalim ng kanyang panunungkulan

Nagbabala si Manila mayor-elect Isko Moreno sa mga kriminal sa lungsod.

Sinabi ni Moreno na malas lang sa kanya ng mga masasamang loob dahil saulo niya ang lahat ng eskinita sa Maynila at alam niya kung saan nagtatago ang mga kriminal.

Dapat anyang mangibang-bayan ang mga ito kung hindi sila aayos sa kanilang gawi.

Pero tiniyak ni Moreno na irirespeto ang karapatang-pantao ng mga Manileño sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Pag-aaralan ni Moreno ang ulat ukol sa sinasabing ang Maynila ang may pinakamataas na bilang na napapatay sa mga operasyon ng mga pulis.

Ayon pa kay Moreno, pangangalagaan nila ang karapatang pantao ng mga taong inaakusahan pero hindi niya hahayaan mamayagpag ang mga kriminal at malagay sa panganib ang buhay ng mga pulis at iba pang alagad ng batas.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *