Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol – PHIVOLCS

Naramdaman sa malaking bahagi ng Luzon ang lindol ala 1:28 ng hapon.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, naitala ang epicenter ng magnitude 6.3 na lindol sa layong labing anim timog kanluran ng  Nasugbu, Batangas.

Tectonic ang origin ng nasabing lindol.

Naramdaman din ang intensity 4 : sa Calapan Mindoro , Subic Zambales , Rosario Cavite , Maynila, at Sablayan Occidental Mindoro.

Intensity 3 sa Pateros City , Quezon City , Makati City, Malolos Bulacan , Cainta Rizal, at Calamba Laguna.

Intensity 2 : Magalang Pampanga , Tanuan City Batangas habang intensity 1: sa Talisay Batangas.

Sinabi ni Solidum na  gumalaw ang Manila trench kaya maraming bahagi ng Metro Manila ang nakaramdam sa lindol.

Inihayag pa ni Solidum na asahan na makakaranas ng mga aftershocks sa mga susunod na oras.

Wala naming naitalang pinsala ang nasabing lindol.

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *