Mga kawani ng DOJ at SC nagsilikas dahil sa lindol

Nagsilikas ang mga kawani ng DOJ at Korte Suprema sa kani-kanilang opisina matapos madama ang malakas na pagyanig.

Agad namang bumalik sa loob ng DOJ at SC ang mga empleyado pagkatapos ng may labing limang minuto.

Ang mga kawani ng Korte Suprema ay sa SC quadrangle nagtipon-tipon habang ang mga taga DOJ ay sa parking lot ng compound ng kagawaran at ang iba ay sa labas ng Padre Faura.

Halos kalmado naman ang mga empleyado nang magsilabas sa mga gusali.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *