Mga bagong proklamang senador binati ng Malacañang

Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa mga bagong proklamang labing dalawang Senador na nanalo sa ginanap na midterm election. 

Sinabi ni Preaidential Spokesman Salvador Panelo na ang katatapos na halalan sa bansa ay kahayagan na buhay na buhay ang demokrasya sa bansa.

Ayon kay Panelo umaasa ang Malakanyang na makakatrabaho ng administrasyon ang mga bagong senador sa mga legislative agenda ng Duterte administration.

Inihayag ni Panelo na mananatiling igagalang ng executive department ang kalayaan ng senado bilang co-equal branch ng pamahalaan.

Batay sa official result ng senatorial race pawang mga kaalyado ng administrasyon ang pumasok sa magic 12.

Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *