Rodel Jayme naghain ng not guilty pleas sa kasong inciting to sedition

Naghain ng not guilty plea sa Parañaque RTC si Rodel Jayme para sa kasong inciting to sedition laban sa kanya.

Si Jayme ang lumikha ng website na metrobalita.com kung saan ipinost ang kontrobersyal na ‘Ang Totoo Narcolist’ videos.

Kaugnay nito, ipinagutos ng korte na ilipat ng kulungan si Jayme sa Paranaque City Jail mula sa NBI.

Una nang itinanggi Jayme na siya ang nag-upload at nagpakalat ng serye ng mga videos.

Handa naman siyang maging state witness sa kaso.

Ayon sa DOJ, ang paglikha ni Jayme ng nasabing website at paggamit niya nito para ipakalat ang videos na nagdadawit sa pangulo at pamilya nito sa illegal drug trade ay naglalayong pagalitin at pahinain ang kumpiyansa ng publiko sa pamahalaan at lumaban dito.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *