Mga bakasyunita, inaasahang dadagsa ngayong weekend sa NAIA

Nakalatag ang seguridad ng Manila International Airport Authority (MIAA) para sa inaasahaang pagdagsa ng mga pasahero dahil sa mahabang bakasyon.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, ngayong weekend o simula sa Sabado at Linggo ang inaasahan nilang pagbuhos ng mga bakasyunista.

Sinabi ni Monreal na naglagay sila ng panibagong X-ray machine mula sa donasyon ng Office of Transportation Security para mabilis na makapasok ang mga pasahero at maiwasan ang mahabang pila.

Pinakiusapan na rin ng MIAA ang mga empleado na huwag munang sumabay sa bakasyon para ma asistihan ang mga pasahero.

May ugnayan na rin aniya sila sa  mga Airline companies na magbukas ng counter ng mas maaga para ma-accomodate agad ang mga pasahero.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *