Mga batang Kongresista, susi sa pagtaas ng Satisfaction ratings ng Kamara – House Speaker GMA

 

Naniniwala si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ang mga bata at masisipag na mga Kongresista ang susi sa pagtaas ng satisfaction ratings ng Kamara.

Ayon kay Arroyo, bunga ang mataas nilang ratings sa pagiging masigasig ng mga batang kongresista na nagsusulong ng mga panukala na kanilang naipasa tulad na lamang ng Department of Housing, Rice Tariffication at iba pa.

Dahil dito, nakikita ng dating Pangulo na nasa mabuting kamay ng susunod na henerasyon ang gobyerno lalo’t  tumalima sila sa kagustuhan niya na magtrabaho nang magdamag sa Mababang Kapulungan.

Sa latest survey ng Social Weather Stations tumaas ang net satisfaction rating ng Kamara sa +36 o katumbas ng good rating mula sa +25 o moderate noong Hunyo.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *