Mga bayarin na ipinapataw sa Airline companies, pinasusupinde

Iminungkahi ni Senador Nancy Binay na tanggalin muna ang ipinapataw na bayarin at iba pang charges sa Philippine Airlines at iba pang local airline sa bansa.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng bankruptcy ng PAL dahil sa epekto ng Covid-19 Pandemic.

Sinabi ni Binay, chairman ng Senate Committee on Tourism na kabilang na rito ang ipinapataw na take off, landing at parking fees.

Kailangan aniya ang economic patriotism habang wala pang malinaw o konkretong ayuda ang pamahalaan sa mga ganitong industriya na pangunahin sa mga hinagupit ng Pandemya.

Maaari rin aniyang tulungan ng Department of Transportation and airlines companies para i- promote sa publiko na tumatanggap pa rin sila ng bookings at maaari pa ring magbiyahe ang publiko.

Meanne Corvera

Please follow and like us: