Pasok sa mga RTCs sa San Fernando, Pampanga, suspendido sa Martes

Suspendido ang trabaho sa mga regional trial courts sa San Fernando, Pampanga sa Martes, Setyembre 7.

Ayon sa abiso ni Executive Judge Esperanza Paglinawan-Rozario, ito ay para bigyang-daan ang pagbisita ng Apostolic Nuncio to the Philippines ng Simbahang Katoliko sa compound ng provincial capitol.

Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Gov. Dennis Pineda na naguutos sa suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa capitol compound.

Hinihimok naman ang mga korte na magdaos ng videoconferencing hearings mula sa tahanan kung maaari para sa mga kasong nakatakdang dinggin sa Martes sang-ayon sa mga panuntunan na inilabas ng Supreme Court.

Moira Encina

Please follow and like us: