Mga Cabinet officials, naghahanda na sa Cabinet revamp na ipatutupad ni Pangulong Duterte

Naghihintay na lamang ng anunsyo ni Pangulong Duterte ang mga cabinet officials sa sinasabing cabinet revamp na ipatutupad bago ang ikaapat na State of the Nation Address o SONA sa July 22. S

inabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na batid ng lahat ng mga cabinet officials na sila ay naninilbihan batay sa tiwalang ipinagkakaloob ng Pangulo.

Ayon kay Andanar nasa desisyon ng Pangulo kung sino ang aalisin, ililipat at pananatilihin sa gabinete.

Pinakamaugong na unang maaalis si Agriculture Secretary Manny Piñol na sinasabing malilipat na mamumuno sa Mindanao Development Authority.

Batay sa pahayag mismo ng Pangulo limang posisyon sa gabinete ang kanyang babalasahin.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *