Mga empleyado ng Senado, may dagdag na 5,000 pisong allowance

Inianunsyo ngayon ni Senate President Vicente Sotto III ang 5,000 libong pisong dagdag na grocery at transportation allowance sa mahigit 1,000 libong empleyado ng Senado.

Ang dagdag na benepisyo ay inihayag ni Sotto kanina pagkatapos ng Flag raising ceremony na epektibo na mula noong a-uno ng Hulyo.

Sinabi ni Sotto na inaprubahan ng Senate Committee on Accounts ang dagdag na allowance ng mga empleyado dahil sa mataas na inflation rate o pagmahal ng presyo ng mga bilihin.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *