Mga empleyado ng Supreme Court nagsuot ng asul na damit bilang pagsuporta at pagbati kay Chief Justice Teresita De Castro

Ikinasa ng mga kawani ng Supreme Court ang tinagurian nilang ‘Blue Monday’ kung saan nagsuot ng asul na damit ang mga empleyado at opisyal ng Supreme Court para ipaabot ang pagbati at pagsuporta kay De Castro bilang Chief Justice.

Maging ang ibang mahistrado at opisyal ng SC ay nagsuot ng asul gaya nina Senior Associate Justice Antonio Carpio na naka-blue necktie at Justice Estela Perlas Bernabe na naka-asul na blazer.

Nakasuot din ng blue dress si De Castro na sinalubong ng palakpakan at hiyawan ng mga court employees nang dumating sa SC lobby para sa flag raising ceremony.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *