PNP, umaming pumalpak sa Intelligence kaugnay sa pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat

Inamin ng Philippine National Police na pumalpak ang kanilang intelligence information kaya nangyari ang panibagong pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinasawi na ng dalawa katao.
Pero sinabi ni PNP spokesman Senior Supt. Benigno Durana na patuloy pa rin ilang iniimbestigahan ang insidente.
Kasama aniya sa inalam nila ngayon ang posibilidad na local terrorists ang posibleng may pakana ng pag-atake.
Nangangalap na rin aniya ang mga imbestigador ng IED components sa mga debris ng pagsabog  para matukoy ang bomb signature ng ginamit na bomba.
Pinabulaanan naman ni Durana ang mga espekulasyon na bahagi umano ang pambobomba sa posibilidad ng pagpapalawig pa sa Martial Law sa Mindanao.
==============
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *