Mga grupo ng mga kabataan, nakisaya sa mala-concert performance nina Aikee at Rapido sa Philippine Arena

Naki-jamming ang grupo ng mga kabataan sa mala-concert na performance ng mga rapper ng Pinas FM na sina Aikee at Rapido.

Sina Aikee at Rapido ay ilan lamang sa mga entertainers sa isinasagawang malawakang Lingap sa Mamamayan sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Bahagi pa rin ito ng pagdiriwang ng ika-64 taong kaarawan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Hindi  alintana ng mga kabataan ang siksikan at mahabang pila makita lang ang kanilang mga hinahangaan.

Bukas ang mga booth ng INC-TV, Pinas-Fm at Net 25 kung saan maaaring magpa-picture sa ilan nating mga DJ at Anchors.

Pati mga Senior citizens humataw rin sa videoke challenge.

Meron din ditong booth para sa face paint, dance craze at photobooth unlimited kasama ang ilang mga artista na miyembro ng INC gaya ni John Lucas.

May isinagawa ring Choral competition sa loob ng Philippine Arena.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *