Mga grupong nagbabalak manggulo sa ASEAN Summit, tinututukan ng pamahalaan…Permit to carry firearms, suspendido sa NCR at Region 3………………

Mahigpit na minomonitor ng National Capital Regional Police Office o NCRPO ang mga indibiduwal o geupong nagbabalak magsagawa ng mga kilos protesta para guluhin ang ASEAN summit sa November 13 hanggang 15.

Sa press briefing sa Malacañang sinabi ni NCRPO chief Police Director Oscar Albayalde layunin ng kanilang hakbang na maiwasang mapasukan ng infiltrators na mananabotahe at maghasik ng kaguluhan upang ipahiya ang bansa.

Ayon kay Albayalde partikular nilang binabantayan ang mga New People’s Army o NPA at iba pang mga threat groups.

Inihayag ni Albayalde sa ngayon wala pa naman silang namo-monitor na armed group na nagbabalak makihalo sa mga raliyista.

Kaugnay nito inianunsyo ni Albayalde na inaprubahan na ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang suspensyon ng permit-to-carry firearms sa Region 3 at NCR sa Nobyembre 1 hanggang 15 o buong ASEAN period.


Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *