Umalma ang Liberal Party sa panibagong bintang ni Pangulong Rodrigo
Duterte hinggil sa umano’y koneksyon ng kanilang partido sa kalakalan
ng illegal na droga sa bansa.

Sa pahayag ng partido, sinabi ng LP na ang pagdawit kina Senate
Minority leader Franklin Drilon at dating Secretary Mar Roxas ay
pagsira sa partido at siraan sila sa publiko.

Panlihis rin umano ito sa atensyon ng publiko sa mga matinding problema
ng bansa gaya ng patayan , smuggling at katiwalian.

Tila desperado na rin ang administrasyon dahil matapos silang
iugnay sa destabilisasyon laban sa pamahalaan, ngayon ay idinadawit na
rin sa illegal drug trade.

Sa halip na iugnay sila sa droga, dapat unahin ng gobyerno ang
pagtugis laban sa mga negosyante at personalidad na nasa likod ng
pagpapalusot ng mahigit animnaraang kilo ng shabu sa bureau of
customs.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *