Mga grupong nasa likod ni Bikoy, aalisan ng maskara- Malakanyang

Nakatakdang ibulgar ng Malakanyang sa publiko ang mga taong nasa likod ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong grupong gumagamot kay Bikoy para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang administrasyon.

Ayon kay Panelo hinihintay na lamang ng Malakanyang ang report ng Philippine National Police o PNP na nagsasagawa ng inbestigasyon sa kaso ni Bikoy.

Inihayag ni Panelo ibabatay sa  resulta ng inbestigasyon ng PNP ang anumang ligal na hakbang laban kay Bikoy at mga personalidad na nasa kanyang likod.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *