Mga inilikas na residente sa Maynila papayagan nang makabalik sa kani-kanilang tahanan

Maaari nang makauwi sa kani-kanilang bahay ang mga inilikas na residente sa Maynila.

Ayon kay Manila Department of Social Welfare Director Re Fugoso, namahagi muna sila ng almusal at iba pang goods sa mga evacuee bago sila pauwiin.

Sa datos ng Manila Department of Social Welfare ay aabot sa mahigit 1,000 pamilya ang inilikas at dinala sa evacuation centers bilang paghahanda sa bagyong Rolly.

Ang mga ito ay nakatira sa mga mababang lugar at malapit sa dagat.

Madz Moratillo

Please follow and like us: