Mga mangingisdang Pinoy na biktima ng hit and run ng Chinese vessel sa Recto bank maaaring humirit ng danyos-Malakanyang

Maaaring humingi ng danyos sa may-ari ng Chinese vessel ang mga mangingisdang Pinoy na biktima ng hit and run sa Recto Bank.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo kapag napatunayan sa isinasagawang inbestigasyon na sinadya ang pagbangga may karapatan ang mga biktima na maningil ng damage.

Ayon kay Panelo puwedeng hilingin ng pamahalaang Pilipinas sa China lalo na sa may ari ng nakabanggang barko na bayaran ang mga biktimang mangingisdang Pinoy.

Inihayag ni Panelo na prayoridad ng pamahalaan na matulungan ang 22 mangingisdang Pinoy para makabalik sa normal ang kanilang hanapbuhay.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *