Mga mukha ng mga mayor sa mga ambulansya, pinaaalis ng isang Comelec commissioner

Pinaalis ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang mukha ng mga mayor sa mga ambulansya.

Partikular na ang mga lokal na opisyal na kumakandidato sa darating na eleksyon. 

Ito ay sa harap ng nakatakdang pagsisimula ng campaign period sa mga lokal na kandidato sa Marso 29.

Sinabi ni Guanzon na labag sa election rules ang paglalagay ng pangalan at mga larawan ng local officials sa mga ambulansya. 

Nagbabala pa ang opisyal na pagbalik niya ng Pilipinas mula sa overseas voting business ay siya mismo ang mangunguna sa pagpapaalis ng mga mukha ng mga LGU officials sa mga ambulansya. 

Ipinagutos na ni Guanzon sa mga election officers ng poll body na kumuha ng larawan ng mga lokal na kandidato na lumalabag sa mga campaign rules.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *