Mga nag-aakusa ng korapsyon kay Health secretary Duque, hinamon ng Malakanyang na magpakita ng ebidensya

Welcome sa Malakanyang ang gagawing inbestigasyon ng Senado laban kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvaddor Panelo na karapatan ng mga senador na magsagawa ng inbestigasyon sa anumang alegasyon ng katiwalian sa pamahalaan.

Ayon kay Panelo hindi pipigilan ng Malakanyang si Duque na humarap sa inbestigasyon ng Senado para maipaliwanag ang kanyang panig.

Inihayag ni Panelo na dapat maglabas ng ebidensiya ang mga nag-aakisa kay Secretary Duque.

Si Duque ay inaakusahan ni Senador Panfilo Lacson ng katiwalian dahil sa conflict of interest matapos makakuha ng kontrata ang Pharmaceutical company ng kanyang pamilya sa Department of Health na nagkakahalaga ng daang milyong piso.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *