Mga naging BOC Commissioners, pinaglaruan lamang ng sindikato – Malakanyang

Naniniwala ang Malakanyang na malala na talaga ang korapsyon sa Bureau of Customs (BOC).

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na lahat ng mga naging Customs commissioner ay pinaglaruan at pinaikutan lamang ng mga sindikato ng smuggling.

Ayon kay Panelo ang malalim na ugat ng smuggling syndicate sa BOC ang dahilan kaya nabigo at hindi nagtagumpay ang anumang reporma na ipinatupad sa adwana.

Inihayag ni Panelo si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña ay biktima rin ng mga sindikato kaya inilipat na lamang ng Pangulo sa Tesda.

Niliwanag ni Panelo na nananatili ang marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong Customs Commissioner Rey Leonard Guerrero na sugpuin ang korapsyon at pataasin ang koleksyon sa BOC.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *