Mga opisyal at empleyado ng DOJ, nagsilabasan sa mga opisina matapos maramdaman ang pagyanig

Nagsilabasan sa mga opisina ang mga opisyal at kawani ng Department of Justice (DOJ) matapos maramdaman ang paglindol bago mag-alas 4:30 ng hapon.

Kabilang sa mga lumikas sa basketball court ng DOJ sina Justice secretary Menardo Guevarra, undersecretary Deo Marco kasama ang iba pang opisyal.

Nagpuntahan naman ang ilang opisyal at kawani gaya ni Undersecretary Adrian Sugay sa may parking lot sa tapat ng DOJ main building.

Maging ang mga mamamahayag na nagku-cover sa Justice beat ay lumabas ng gusali.

Nanatili sa labas  ang mga taga-DOJ ng may 15 minuto bago bumalik nang  kani- kanilang tanggapan.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *