Mga opisyal ng PCSO, binigyan ng isang linggo ng PACC para boluntaryong magpasailalim sa Lifestyle check

Hinikayat ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) ang mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na boluntaryong magpasailalim sa lifestyle check.

Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, isang linggo lang ang ibinibigay nila sa mga PCSO official para magsumite sa kanila ng kanilang SALN o Statement of Assets Liabilities and Networth, bank waiver  at iba pang dokumento.

At kung mabibigo ang mga ito ay sila na aniya mismo ang kusang kikilos para i-lifestyle check sila.

Pero nilinaw ng opisyal na hindi niya inirerekumenda na maisailalim sa lifestyle check sina PCSO General Manager Royina Garma at dating PCSO General Manager Alexander Balutan.

Si Garma ay bago palang aniya sa posisyon at dinatnan na nito ang problema sa PCSO.

Habang si Balutan naman ay hindi na opisyal kaya wala na ito sa kanilang hurisdiksyon.

Maliban na lang aniya na kusang magpasailalim ito sa lifestyle check.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *