Mga pag-ulan dulot ng Habagat, asahan pa rin ngayong Lunes

 

 

Mararanasan pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lugar ang  hanging Habagat ngayong Lunes na inaasahang magpapatuloy hanggang sa Miyerkules.

Ayon sa Pag-Asa,  patuloy kasing nagdudulot ang nagdaang bagyong Karding ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila hanggang sa Western section ng Luzon.

Ito’y bagama’t tinatahak na ni Karding  ang China ngunit pinapalakas nito ang Habagat.

Kabilang sa mga patuloy na uulanin ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Ilocos region, at Cordillera Administrative Region.

Samantala, wala pa namang namo-monitor ang Pag-Asa ng panibagong sama ng panahon sa labas ng bansa.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *