Mga pagawaan ng paputok, iinspeksyunin ng DOLE

Isasailalim sa mahigpit na inspeksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pagawaan ng paputok sa bansa sa harap ng nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa labor advisory na ipinalabas ni Labor Secretary Silvestre Bello III, layunin ng pag-iinspeksyon na matiyak na nakakasunod ang mga firecracker manufacturer sa Occupational Safety and Health Standards at  maiwasan ang mga aksidente sa pagawaan.

Inatasan din ng kalihim ang mga labor laws compliance officers  na tumulong sa mga establisimyento na makasunod sa itinatakda ng OSHS.

Pinagsusumite rin ang mga DOLE Regional Offices ng listahan ng mga nainspeksyon establisimyento ng paputok sa Bureau of Working Conditions sa December 28, 2018.

Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *