Mga pasahero sa mga terminal sa Quezon City, patuloy na nadaragdagan 

Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa Araneta Center Bus terminal gayundin sa ibat- ibang terminal sa Quezon City para umuwi sa mga probinsya ngayong long holiday.

 

Kasabay nito, mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng pamunuan ng bus terminal kaya’t kada pagpasok ng mga pasahero ay masusing tinitingnan ang kani-kanilang mga bagahe upang matiyak na walang makalulusot na mga kontrabando sa terminal.

Patuloy din ang pagbabantay ng QCPD-station 7  sa paligid ng terminal upang mabantayan ang seguridad ng mga pasahero na dumarating sa terminal.

Ayon kay QCPD District Director Guillermo Eleazar, mas dinagdagan pa nila ang bilang ng mga naka-deploy na mga kapulisan sa mga Bus stations sa Q.C.  upang masiguro ang seguridad ng ating mga biyahero.

 

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot na sa mahigit 15,000 ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa mga bus terminal sa Q.C.

 

ULat ni Earlo Bringas

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *