Pangulong Duterte, tiniyak sa liderato ng MILF na papasa ang BBL bago magsara ang sesyon ng Kongreso

Ipinangako ni Pangulong Rodrgio Duterte sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na papasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL bago magsara ang session ng kongreso.

Sinabi ni Presidential adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na ginawa ng Pangulo ang pangako noong makipagpulong ito kina MILF chairman Al Haj Murrad Ibrahim at MILF vice chairman Gadzali Jaafar sa Davao city kamakailan.

Ayon kay Dureza naniniwala ang Pangulo na ang tanging makakaresolba sa problema sa bsngsamoro people ay ang pagkakakroon ng BBL.

Inihayag ni Dureza na nagkaroon na ng commitment ang mga kaalyadong kongresista at senador ni Pangulong Duterte na mapagtitibay ang BBL bago ang adjournment ng kongreso sa Hunyo.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *