Mga probinsya nakakaranas na rin ng water shortage

Bukod sa Metro Manila at Rizal, nakakaranas na rin ng kakulangan sa suplay ng tubig ang ilang mga lalawigan.

Ayon sa Local Water Utilities Administration o LWUA, kabilaang sa mga maapektuhan ng kakulangan ng water supply Zamboanga Sibugay, Tuguegarao,  Kidapawan, at Ilocos Norte.

Gayunman, magbibigay na aniya ng tankers at regular na magsusuplay ng tubig ang mga local water districts.

Pero pagtiyak ng LWUA, may ginagawa naman silang hakbang para matugunan ang pangangailangan ng publiko tulad ng pag-activate sa mga deepwell.

Hinihikayat rin ng LWUA ang mga local government units na magtayo ng mga rainwater impounding area lalo na sa mga bundok para may magamit na suplay ng tubig lalo na kapag tagtuyot.

 

Ulat ni Meanne Corvera 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *