Mga pulis na ipapakakalat sa Edsa People power anniversary, handa na

Tinatayang nasa 1,500 mga pulis ang ipapakalat sa mga pagdarausan ng mga kilos protesta bilang paggunita sa ika-32 anibersaryo ng Edsa People power revolution.

Ayon kay Quezon City Police district Chief Supt. Guillermo Eleazar, may mga nakatoka na silang tao mula sa pag-aayos ng daloy ng trapiko hanggang sa pagtitiyak ng seguridad para sa mga lalahok.

Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga militante na inaasahang magsasagawa ng programa simula bukas, February 24 hanggang 25.

Ayon naman kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, 300 pulis ang inaasahang lalahok sa tradisyunal na salubungan o re-enactment ng Kapit-bisig na pagmamartsa ng mga pulis at sundalo noong 1986.

 

=============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *