Mission team ng DENR, binigyan ng 6 na buwan para sa rehabilitasyon ng Boracay island

Anim na buwan lamang ang ibinigay ni Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Roy Cimatu sa mission team na itinalaga sa isla ng Boracay para magsagawa ng restoration at rehabilitation sa isla.

Kabilang sa mga kailangang tingnan ng Mission team ay ang water quality sa isla, koneksyon sa sewage system ng mga establisimyento, pag-recover sa forest at wet lands mula sa mga illegal occupants, tamang garbage collection at pag-restore ng daanan mula sa mga illegal structures.

Muling nagbabala si Cimatu sa mga kumpanya sa Boracay na ipatutupad ng DENR ang full-closure sa mga nakikitaan ng paglabag at hindi makikipagtulungan sa ahensya.

 

============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *