Mga pulis, pinagdodoble-kayod ni Pangulong Duterte dahil sa sunud-sunod na krimen na ang mga biktima ay mga kababaihang menor de edad

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong puwersa ng Philippine National Police o PNP na magdoble kayod laban sa mga elementong kriminal.

Ginawa ng Pangulo ang kautusan kasunod ng mga nangyayaring kaso ng rape at pagpatay sa mga menor de edad na kababaihan tulad ng nangyari sa Cebu na binalatan pa ang mukha ng biktima.

Sinabi ng Pangulo maaari lamang mag relax ang pulisya kung masisiguro nila sa kanilang area of responsibility na ligtas ang kanilang pamilya na lumabas at makapaglakad sa kalye kahit dis-oras ng gabi.

Ayon sa Pangulo dapat mag-overtime ang mga pulis para masigurong natutukan ang galaw ng mga kriminal.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *