Mga residente sa Barangay Veterans Village sa Quezon City, tumanggap na ng ayuda

Tumanggap nan g cash assistance mula sa local na pamahalaan, ang mga taga Barangay Veterans Village sa Quezon City, kaninang umaga.

Sinabi ni Barangay Chairman Joy Lalata-Landingin, na inayos mabuti ang magiging venue sa pamamahagi ng cash assistance, kung saan ipinatupad ng mahigpit ang  social distancing at minimum health protocols.

Anim na validators mula sa lokal ng pamahalaan ang itinalaga para sa mas mapabilis na pamamahagi ng ayuda.

May inilaan ding priority lanes para sa senior citizens, PWDs at mga buntis..

Nagpasalamat naman ang mga residente dahil nakatanggap na sila ng inaasahang tulong pinansyal mula sa gobyerno.

Sa kabuuan ay naging maayos naman ang pamamahagi ng cash assistance.

Ulat ni Ian Jasper Ellazar

Please follow and like us: