Mga senador, hati sa panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Hati ang mga senador sa panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Hindi pabort si Senate President Vicente Sotto sa panukala dahil hindi pa napatunayan sa mga pag-aaral na nakakagamot ang marijuana.

Katunayan sinabi ni Sotto na mula pa noong 1968, nagsagawa na ng eksperimento ang Israel institution tungkol sa marijuana pero hindi napatunayan na nakakagamot sa anumang sakit.

Iginiit ni Sotto na ang legalidad ng marijuana ay paglabag sa republic act 9165 o Dangerous Drugs law.

Bukas naman si senador Ping Lacson sa panukalang batas.

“Kung medical, baka pwede. Huwag ang recreational. In California for example, ang batas doon ginawa nilang legal, recreational ang medical. Sa atin medical lang hinihingi and there’s I think a pending bill in the House. But of course ano ang mga safeguards? Baka mamaya, oo nga ang intention maganda, medical ang gamit pero baka magkaroon ng proliferation ng marijuana para sa recreational. Ma-defeat ang purpose.”

Hinimok naman ni Senador Sonny Angara na konsultahin muna ang medical community at mga eksperto hinggil sa development ng mga ginagawang pag-aaral sa Estados Unidos at Canada

Kasama sa nais ni Angara na konsultahin ang mga bansa na gumagamit ng marijuana bilang pain killer para sa cancer at epilepsy

“Many countries seem to be doing so as it is seen to be effective pain killer for cancer and epilepsy. Pwede na pag aralan nang mabuti ‘yan”

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *