PRRC, dismayado sa patuloy na pagtatapon ng mga basura sa mga estero

Dismayado ang pamunuan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) dahil sa patuloy na nasusumpungang mga nagkalat na basura sa mga estero sa Metro Manila.

Ito ay sa kabila ng pagsisikap ng komisyon at maging ang kampanya ng pamahalaan kaugnay sa tamang pagtatapon ng basura sa ilalim ng Republic Act 9003.

Ggayunman, sinabi ni PRRC Spokesperson George dela Rama na masaya sila dahil naglabas na ng kautusan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na kakasuhan na ang lahat ng mga lumalabag na barangay officials at maging ang mga city mayor.

Pero wala pa aniya silang ideya kung paano ipatutupad ito ng dilg at iba pang ahensya ng pamahalaan na katuwang sa implementasyon nito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *