Mga tagasuporta ni Senador Antonio Trillanes, sumugod sa Senado para iprotesta ang balak na pagpapaaresto sa Senador

Sumugod sa Senado ang may 50 tagasuporta ni Senador Antonio Trillanes para iprotesta ang planong pagpaparesto sa Senador.
Bitbit grupong Tindig Pilipinas at Every Woman ang banner kung saan nakasulat ang Justice for Trillanes.
Kinondena ng grupo ang anila’y panggigipit ng administrasyon sa mga kritiko ng gobyerno kabilang na si Trillanes.
Ilang tagasuporta rin ni Trillanes ang nagbantay sa Senado kagabi para ipakita ang suporta sa Senador.
Teresita Deles – Tindig Pilipinas:
“Ang aming pagpunta dito is to defend the democracy ng ating bansa ang nakikita namin dito ay ang paglabag sa batas pagbalewala sa rule of law gaya ng nakita sa Quo Warranto “.
Samantala nasa Senado rin ang asawa ni Trillanes na si Arlyn at dito nagpalipas ng magdamag kasama ang Senador  pero tumanggi na itong magbigay ng pahayag sa media.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *