Mga tanggapan ng DFA, sarado sa May 14


Sarado ang lahat ng satellite at consular office ng Department of Foreign Affairs  o DFA sa Lunes, May 14.

Ito ay dahil idineklarang Special non-working day ang nasabing petsa dahil sa Barangay at Sangguniang kabataan elections.

Lahat ng kumpirmadong Passport appointment ay maaasikaso mula May 15 hanggang 25 maliban pag araw ng Sabado.

Kailangan lang magdala ang mga aplikante ng printed copy ng Passport appointments.

Inabisuhan ng DFA ang publiko na asahan ang pag-dagsa ng mga aplikante dahil sa special non-working holiday.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *