Mobile communication system, pinabibilisan sa DICT para makatulong sa komunikasyon sa mga kalamidad

Pinapapaspasan ni Senador Sonny Angara sa Department of Information and Communications Technology o DICT ang emergency communicatins sa mga lugar na madalas dinadaanan ng bagyo.

Sinabi ni Angara, Vice-Chair ng Senate Finance committee na ngayong taon, nakatanggap na ng 192 million ang DICT para ipambili ng anim na Mobile Operations Vehicles for Emergency o MOVE na syang magbibigay ng communications system.

Batay sa proyekto ng DICT, bawat MOVE ay isang six-wheeler truck na magsisilbing command and control center na magiging coordinator sa National Disaster Risk Reduction and Management Council  o NDRRMC at magbibigay ng komunikasyon sa mga biktima ng kalamidad.

Magiging available ang mobile emergency vehicle sa Metro Manila, Clark, Batangas, Cagayan de Oro at Davao.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *