MPD Explosives and Ordinance Division, patuloy ang ginagawang inspeksyon sa Mapua University kasunod ng bomb threat

Patuloy pa rin ang ginagawang inspeksyon ng Manila Police District (MPD) Explosives and Ordinance division sa loob ng Mapua University sa Intramuros, Maynila kasunod ng bomb threat.

Una nang sinuspinde ang klase sa Mapua University dahil rito.

Sa advisory ng Mapua University, ang mga estudyante at mga empleyado ay sinabihang i-vacate o lumabas ng Intramuros campus.

Dahil sa suspendido ang klase, Digital Day muna ngayon para sa mga estudyante. Ibig sabihin ay online ang lahat ng mga klase.

Noon lamang Sept. 19 ay nagkaroon din ng bomb threat sa Mapua University, sa Manila at Makati campuses nito.

Ayon sa mga imbestigador, nagkataon na examination week nang matanggap ang bomb threat noong Setyembre.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *