Naarestong Vice Mayor ng Ozamis City at kanyang kapatid dinala sa PNP Custodial Center

Dinala na sa PNP Custodial Center sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at kapatid nitong si Reynaldo Parojinog Jr.

Iniluwas ang dalawa sa Metro Manila para isailalim sa inquest proceedings matapos madakip ang mga ito sa isinagawang raid sa kanilang bahay na nagresulta sa pagkasawi ng kanilang magulang na sina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, misis niyang si Susan at 13 iba pa.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos, ang PNP Region 10 ang nagdala sa magkapatid .

Samantala, tatayo bilang abogado ng magkapatid si Atty. Lawrence Karim.

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *