Red alert status itinaas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Abra at Apayao

Nakataas sa red alert status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Abra at Apayao.

Bukod dito nakataas rin ang naturang babala sa Buguias at Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa lalawigan ng Benguet at ang Baguio City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ayon sa Office of the Civil Defense-Cordillera, ito ay para makapaghanda ang mga nasabing opisina sa epekto ng Bagyong Huaning at ng habagat.

Kasabay nito, hinigpitan pa Cordillera RDRRMC ang kanilang koordinasyon sa lahat ng lokal ng pamahalaan at kaukulang ahensiya para sa pag-aalerto ng mga ito.

Nauna nang isinailalim sa red alert status ang emergency operation center ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council simula pa kahapon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *